Muling nahalal sa bilang director ng World Health Organization (WHO) si Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Ito na ang pangalawang termino niya matapos ang procedural vote na siyang magiging solong nominado sa gaganaping leadership election sa Mayo.
Siya ang itinuturing na unang African leader na namuno sa WHO.
Sinabi nito na labis siyang nagpapasalamat sa mga sumuporta sa kaniyang programa.
Halos lahat ng 34 miyembro na kumakatawan sa iba’t-ibang bansa ang nagbigay ng suporta sa kaniyan na mamuno muli sa WHO.
Ilan sa mga hindi nakadalo sa botohan ang Tonga, Afghanistan at East Timor.
Dahil dito ay inaasahan na uupo uli siya para maging director-general ng WHO sa halalan na gaganapin sa Mayo kung saan boboto ang 194 WHO member states.
Ang 56-anyos na WHO head ay dating Ethiopian minister of health at foreign affairs.
Umani ito ng papuri sa paghawak niya ng COVID-19 pandemic.