-- Advertisements --
Dismayado ang World Health Organization (WHO) sa China dahil sa hindi nila pinatuloy ang grupo ng international experts para pag-aralan ang pinagmulan ng coronavirus.
Sinabi WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, hindi nakikipagtulungan ang China sa grupo ng mga eksperto.
Kahit aniya na makailang beses na nilang nakausap ang ilang mga opisyal ng China ay hindi pa rin sila tumutugon.
Magugunitang nagpadala ang WHO ng mga experts sa China para malaman kung saan ba talaga nagmula ang deadly virus na mahigit na sa 1.8 million sa buong mundo ang mga nasawi.