-- Advertisements --
Pinuna ng World Health Organization (WHO) ang mababang COVID-19 testing rates ng mga bansa kaya mababa ang naiuulat na kaso subalit mataas ang bilang ng mga nasasawi.
Sinabi ni WHO technical lead on COVID-19 Maria Van Kerkhove na ito ngayon ang ikinakabahala nila dahil sa mataas na bilang ng mga nasasawi.
Maraming mga bansa rin ang nagsabi na bumaba ang kaso nila sa loob ng dalawa hanggang anim na linggo ay dahil mababa na rin ang kanilang testing rates.
Isa sa solusyon na nakikita ngayon ng WHO ay ang pagpapaigting ng vaccination drives at ang pagsasagawa ng testing dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Omicron variant partikular na sa Eastern Europe.