Nabigo ang mga experts ng World Health Organization (WHO) na tukuyin na galing sa hayop ang coronavirus.
Ang nasabing mga eksperto ay nagtungo sa China noong nakaraang mga buwan para imbestigahan na galing nga sa paniki ang nasabing virus na kumitil na ng ilang milyon sa buong mundo.
Sinabi ni Liang Wannan ang namuno sa China Team na patuloy pa rin ang kanilang ginagawang pagtukoy sa pinanggalingan ng virus.
Wala rin aniyang indikasyon na ang nasabing sakit ay nagmula sa Wuhan, China noong pang Disyembre 2019 bago pa ito tuluyang kumalat.
Nanatili ng halos isang buwan ang mga eksperto at nanatili silang naka-quarantine ng dalawang linggo.
Nagtungo rin sila sa mga seafood market kung saan doon umano pinaniniwalaang nagmula ang virus.
Magugunitang inakusahan noon ni dating US President Donald Trump na galing sa isang leak mula sa laboratory sa Wuhan, China ang nasabing virus at ito ay kumalat sa buong mundo.