-- Advertisements --

Napagkasunduan na raw ng mga member states ng World Health Organization (WHO) na gumawa ng tentative consensus para matugunan ang mga problema sa hinaharap na may kaugnayan sa pagpigil sa mga dadating na pandemic kung mayroon man.

Ito ay pangungunahan ng European Union at United States.

Ang draft resolution ay ginawa matapos ang mga negosasyon nitong weekend.

Ipipirisinta ito para sa posibleng pag-adopt ng mga health ministers sa tatlong araw na special assembly na magbubukas ngayong araw.

Layon ng global agreement na mapalakas ang pandemic prevention at responses na inaasahang maihahanda na sa May 2024.