-- Advertisements --

Iginiit pa rin ng World Health Organization (WHO) na walang dahilan ang US para sila ay tumiwalag.

Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, sa unang pagkakataon nANg malaman ang anunsiyo na ito ni Trump ay hindi siya agad naniniwala.

Dagdag pa nito, mahalaga sa kaniya ang global leadership kaysa sa financial contribution.

Noong 2019 ay 15.18% na budget ng WHO ay mula sa US.

Magugunitang noong Mayo ay inanunsiyo ni US President Donald Trump na sila ay aalis na sa WHO dahil sa tila pinoprotektahan daw ang China sa pagpapakalat ng COVID-19.