-- Advertisements --

Hindi mapipilit ng World Health Organization (WHO) ang China na magsiwalat ng mga impormasyon sa pinagmulan ng COVID-19.

Sinabi ni WHO director of the emergency program Mike Ryan na wala silang kapangyarihan para pilitin ang sinuman sa nasabing usapin.

Umaasa na lamang sila sa kooperasyon, suporta at pagbibigay ng mga impormasyon sa mga member of state nila.

Magugunitang bumisita ang health experts ng WHO sa China para malaman ang pinagmulan ng COVID-19.