-- Advertisements --
Hindi sang-ayon ang World Health Organization (WHO) sa mga bansa ng nagpaplanong bumili ng mga booster shots para sa mga nabakunahang mamamayan nila.
Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na hindi muna dapat ito bigyang pansin ngayon ng mga bansa dahil marami pa ring mga mahihirap na bansa ang hindi pa nababakunahan ang maraming mamamayan nila.
Patuloy din aniyang tumataas ang kaso ng COVID-19 lalo na at nagiging dominant na ang Delta variant sa maraming bansa.
Sinabi pa nito na nagiging hindi pantay ang suplay ng bakuna dahil may ibang bansa ang bumibili ng ilang milyong doses ng bakuna habang mayroong ibang bansa ang nagkukumahog na makabili ng bakuna.