-- Advertisements --

Hindi sang-ayon ang World Health Organization (WHO) sa pagpapatupad ng travel at trade ban ng mga bansa dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus.

Sinabi ni WHO Tedros Adhanom Ghebreyesus, na ang nasabing hakbang ay mas lalong magdudulot ng takot at stigma sa bawat ng mga bansa.

Dapat aniya na magtulungan ang mga bansa para tuluyang masawata ang nasabing ang pagkalat ng virus.

Nanawagan din ito sa mga bansa na magkaisa ang mga public at private sector para gumawa ng hakbang para hindi kumalat pa ang nasabing virus.

Aminado ito na ang banta ng coronavirus ay mas lalong nagiging mataas kaya napapanahon aniya na ito ay paghandaan ng mga bansa.

Magugunitang aabot na sa mahigit 400 na ang nasawi habang 20,000 ang nadapuan ng nasabing virus.