-- Advertisements --
Pinayuhan ng World Health Organization (WHO) ang mga Europeans na magsuot ng face mask ngayong kapaskuhan.
Nakikita kasi ng WHO ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa WHO European regional office na tumataas ang kaso ng COVID-19 tuwing nagkakaroon ng pagtitipon-tipon.
Hinikayat din nito ang mga mamamayan ng Europe na gumawa ng hakbang para sa nasabing pagpapababa ng kaso ng COVID-19.
Inirerekomenda rin ng WHO na kung maari gawin ang pagtitipon-tipon sa labas ng bahay at kung hindi maiwasan ay maaaring gumamit sila ng face mask kapag sa loob ng bahay gaganapin ang kasiyahan.