-- Advertisements --
Hinikayat ng World Health Organizations (WHO) ang mga bansa na mag-donate sa COVAX scheme na nagdadala ng COVID-19 vaccines sa mga mahihirap na bansa.
Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na nangangailan sila ng nasa 10 milyon vaccine doses para sa buong mundo.
Dadag pa nito na nagkaroon ng pagkaantala sa pagbibigay nila ng bakuna dahil sa kakulangan ng mga suplay.
Nararapat na magdonate na ang mga bansa na may kakayahan para mapunan ang nasabing kakulangan ng suplay ng bakuna.