-- Advertisements --
Hinikayat ng World Health Organization (WHO) ang China na ibahagi sa kanila ang raw data sa pagsisimula ng kaso ng COVID-19.
Ang nasabing hakbang ay para masimulan na nila ang kanilang ginagawang pagsisiyasat sa pinagmulan ng pandemic.
Dagdag pa ng WHO na dapat hindi pulitikahin ng mga bansa ang paghahanap ng pinagmulan ng nasabing virus na ikinasawi na ng 4.3 milyon katao.
Nauna ng nagpadala ng mga grupo ng eksperto ang WHO sa Wuhan para malaman ang pinagmulan ng COVID-19 subalit hindi nakikipagtulungan ang China.