Idineklara na ng World Health Organization (WHO) bilang global health emergency ang monkeypox outbreak sa Africa.
Base sa ginawang pagpupulong ng WHO ng kanilang emergency mpox committee na ang nakakamatay na strain ng virus na clade Ib ay una ng nakontrol sa Democratic Republic ng Congo.
Matapos ang ginawa rin na virtual meeting ng independent experts ay kanilang ipinayo kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ang tindin ng outbreak.
Kaya dito ay inanunsiyo ng WHO ang public health of international concern ang pinakamataas na level ng alarm sa ilalim ng international health law.
Ang nasabing estado ay ibinibigay ng WHO sa mga extraordinary event na may banta sa public health sa ibang mga bansa.
Magugunitang una ng nagdeklara ang Africa Center for Disease Control and Prevention ng outbreak matapos ang naitalang mahigit na 17,000 na kaso mula pa noong Enero at kumitil na ng mahigit 500 katao.
Ang mpox o kilala dati bilang monkeypox ay viral disease na mabilis na kumalat sa mga tao na galing sa mga hayop na dinapuan nito.
Maikakalat lamang ito sa pamamagitan ng close contact gaya ng paghawak, paghalik , pakikipagtalik, ganun din ang paggamit ng mga bed sheet at damit ng mga dinapuan nito.
Ilan sa mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng trangkaso, sakit sa ulo, muscle at back pain, kahinaan, pagkakaroon ng pamamantal sa katawan at panlalaki ng bahagi ng mukha.