Idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang public health emergency of international concern dahil sa outbreak ng novel coronavirus.
Isinagawa ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus ang anunsiyo kasunod sa ginawang emergency briefing sa Geneva.
Tinawag din ito ng WHO na isang “extraordinary event” na nakataya ang kalusugan ng publiko dahil sa patuloy na pagkalat ng sakit sa buong mundo na kinakailangan na ang pagtutulungan ng lahat ng mga bansa.
Bago ito ay umani nang pagpuna sa ilang sektor ang hindi kaagad pagdeklara noong nakaraang linggo ng WHO ng “emergency.”
Subalit dahil sa pagtaas ng bilang at ebidensya ng person-to-person transmission sa mga kaso sa labas ng China ay nagpulong muli ang mga WHO leaders dahil sa paglaki ng outbreak.
“I am declaring a public health emergency of international concern over the global outbreak of #2019nCoV, not because of what is happening in #China, but because of what is happening in other countries,”ani Dr. Ghebreyesus. “In many ways, #China is actually setting a new standard for outbreak response. Our greatest concern is the potential for the virus to spread to countries with weaker health systems, and which are ill-prepared to deal with it. #2019nCoV”
Ang naturang hakbang ng WHO ay makaraang umabot na sa mahigit 8,000 ang kumpirmadong kinapitan ng sakit at nasa 170 na ang nasawi na karamihan ay sa mainland China.