-- Advertisements --
Labis na nababahala ang World Health Organization (WHO) sa lumalalang health crisis sa West Bank.
Ayon kay WHO director-general, Tedros Adhanom Ghebreyesus, na hanggang hindi tumitigil ang labanan sa pagitan ng Israel at Hamas ay maraming mga sibiliyan ang magkakasakit.
Nasa mahigit 500 Palestino na ang nasawi mula sa West Bank na kinabibilangan ito ng 124 na bata mula pa noong buwan ng Oktubre.
Mayroong mahigit 5,150 katao na rin ang sugatan kasama ang 800 na mga bata.
Dahil dito ay nanawagan ang WHO ng agarang paprotekta sa mga sibilyan ganun na iwasan na madamay ang mga imprastraktura.