-- Advertisements --
Ikinabahala ng World Health Organization (WHO) ang pagtaas ng bilang ng kaso ng Tuberculosis.
Base sa datus nila umabot na sa 8.2 milyon ang bagong kaso ng TB.
Ito na ang pinakamataas mula noong 1995.
Bagamat bumaba ang bilang ng mga nasasawi dahil sa TB na mula sa 1.32 milyon noong 2022 ay naging 1.25 milyon lamang noong 2023.
Subalit ang bilang ng mga nahawaan ng nasabing sakit ay tumaas na mula sa dating 7.5 milyon ay naging 8.2-M.
Hindi aniya lahat ay nasuri ng WHO at naniniwala sila na ito ay aabot pa ng mahigit 10.8-M katao ang nahawaan noong nakaraang taon.
Nanawagan na lamang si WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa mga bansa na paigtingin ang laban kontra sa TB.