-- Advertisements --

Labis na nababahala ang World Health Organization (WHO) sa ginawang airstrike ng Israel sa pagamutan sa Gaza.

Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na lubhang nakakabahala ang kalagayan ngayon ng mga pasyente at mga staff ng Kamal Adwan Hospital.

Ang nasabing pag-atake ay nagresulta sa pagkasira ng electricity generator kung saan doon nakasalalay ang operasyon ng pagamutan.

Nanawagan din ito sa Israel na napapanahon na ang pagtugon sa ceasefire.

Bukod sa Gaza ay ikinabahala rin ng WHO ang pagdami ng mga pagamutan na tinatamaan ng airstrikes ng Israel sa Lebanon.

Base rin kasi sa pagtaya ng WHO na mayroong 212 na ang nasawing mga health sector worker habang 317 na mga mangagawa pagamutan ang sugatan.

Aabot sa 225 na mga pag-atake sa mga emergency medical services habang mayroong 66 na pag-atake sa mga pagamutan.

Nagtamo na matinding pinsala ang nasa 40 pagamutan kung saan walo dito ang hindi magamit at mayroong 249 na mga ambulansiya rin ang natamaan ng airstrikes.

Una rito ay nagpalabas ang Israel military ng emergency evacuation sa mga Lebanon dahil sa patuloy ang kanilang ginagawang pag-atake.