-- Advertisements --

Ikinabahala naman ng World Health Organization (WHO) ang pagtaas ng bilang ng mga labis na nagugutom sa Gaza.

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na kahit na may mga delivery ng mga pagkain sa Gaza ay aabot sa halos 2,000 na ang bilang ng mga bata na nahaharap sa severe acute malnutrition.

Base sa kanilang datus na mayroong mahigit 8,000 na bata na edad 5-anyos ang na-diagnosed ng acute malnutrition kasama ang 1,600 na bata na mayroong severe acute malnutrition.

Ilan sa mga nakitang dahilan ay ang kawalan ng malinis na tubig ganun din ang sanitation kaya dumarami ang bilang mga malnourished na bata sa Gaza.