-- Advertisements --

Ikinagalit ng World Health Organization (WHO) ang hindi pagpayag ng Israel na makapasok ang kanilang international medical team sa Kamal Adwan Hospital.

Ang nasabing pagamutan ay inatake ng Israel sa hinalang pinagkukutaan ng mga Hamas militant.

Nagresulta sa matinding pinsala ng pagamutan kung saan maraming mga pasyente doon ang nasugatan.

Ikinakabahala nila ngayon ang pagdami ng mga masasawi dahil sa kawalan na ng suplay ng kuryente na siyang malaking tulong sa mga pasyente.

Una ng kinondina na rin ng WHO ang patuloy na pag-atake ng Israel Defense Forces sa mga medical facilities.