Nanghihinayang ang World Health Organization (WHO) sa anunsyo ng Estados Unidos na umalis mula sa organisasyon.
Ang WHO ay may mahalagang papel sa pagprotekta sa kalusugan at seguridad ng mga tao sa buong mundo, kabilang ang mga US nationals, sa pamamagitan ng pagharap sa mga ugat ng sakit, pagpapalakas ng mga sistema ng kalusugan, at pagtuklas, pag-iwas, at pagtugon sa mga health emergencies, kabilang ang mga paglaganap ng sakit sa high risk areas kung saan hindi makapunta ang iba.
Ang Estados Unidos ay kabilang sa founding members ng WHO noong 1948 at patuloy na nakibahagi sa paghubog at pamamahala sa trabaho ng WHO mula noon, kasama ng 193 iba pang mga Estadong kasapi, kabilang ang aktibong pakikilahok sa World Health Assembly at Executive Board.
Sa loob ng higit pitong dekada, ang WHO at ang USA ay nagligtas ng hindi mabilang na buhay at pinrotektahan ang mga Amerikano at lahat ng tao mula sa mga banta sa kalusugan.
Sama-sama naming tinapos ang smallpox, at sama-sama naming dinala ang polio sa bingit ng pagkalipol.
Ang mga institusyong Amerikano ay nag-ambag at nakinabang sa pagiging kasapi ng WHO.
Sa pakikilahok ng Estados Unidos at iba pang mga Estadong Miyembro, ipinatupad ng WHO sa nakalipas na 7 taon ang pinakamalaking hanay ng mga reporma sa kasaysayan nito, upang baguhin ang aming pananagutan, pagiging epektibo sa gastos, at epekto sa mga bansa. Patuloy ang trabahong ito.
Umaasa kami na muling isasaalang-alang ng Estados Unidos ang kanilang desisyon at umaasa kaming makikipag-ugnayan sa isang konstruktibong diyalogo upang mapanatili ang pakikipagtulungan sa pagitan ng USA at WHO, para sa kapakinabangan ng kalusugan at kagalingan ng milyun-milyong tao sa buong mundo.