-- Advertisements --
Ikinatuwa ng World Health Organization (WHO) ang hakbang ng US na tulungan sila para lalong mapaigting paglaban sa COVID-19.
Kasunod ito ng pagtiyak ni US President Joe Biden na tutulong sila makagawa ng bakuna laban sa nasabing virus.
Sinabi ni WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus na mahalaga ang tulong ng US dahil maraming mga bansa ang kasalukuyang nangangapa pa rin para makakuha ng bakuna.
Sa paglunsad aniya ng WHO ng programang Access to COVID-19 Tools (ACT) Accelator ay layon nito na makagawa ng bakuna.
Magugunitang nagkaroon ng hindi magandang pagtingin noon si dating US President Donald Trump sa WHO na inakusahan pa nito na pinoprotektahan ang China na siyang pinagmulan umano ng COVID-19.