-- Advertisements --

Pinayuhan ng World Health Organization na dapat maging alerto ang buong mundo sa paglaban ng bagong coronavirus.

Kasunod din nito ay nakatakdang magpulong ang WHO sa pag-usapan kung kailangan ng ituring na isang health emergency ang nasabing virus.

Ayon kay WHO Health Emergencies Programme Director Michael Ryan, na may mga international team experts na silang nagtungo sa China para malaman kung paano kumakalat ang nasabing virus kung saan mayroon ng 16 na bansa ang naiulat na kumpirmadong kaso.

Pinuri din nito ang naging tugon ng China kung saan naging isang malaking hamon ang nasabing virus na kailangan ng malawakang pagsugpo.