-- Advertisements --
Inaprubahan na ng World Health Organization (WHO) ang bagong pina-simple na bakuna kontra cholera.
Ang Euvichol-S vaccine ay simplified formulation umano ng Euvichol-Plus na may kaunting formulation.
Dahil sa nasabing mas pinasimple ang bakuna ay umaasa ang WHO na darami ang magagawa nito sa buong mundo.
Paglilinaw ng WHO na ang nasabing mga bakuna ay may parehas din na bisa kontra sa cholera.
Mula pa noong 2022 ay aabot sa 473,000 ang kaso ng cholera at ito ay tumataas kada taon dahil sa kakulangan ng gamot dito.