-- Advertisements --
Inaprubahan ng World Health Organization (WHO) ang Johnson & Johnson COVID-19 vaccine para sa emergency use.
Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na bawat bago, ligtas at epektibong pamamaraan laban sa COVID-19 ay isang panibagong paraan para makontrol ang pandemic.
Nauna ng sinabi ng health authorities sa US na ang bakuna ng Johnson & Johnson ay epektibo kahit isang beses lang ang pagtuturok kumpara sa ibang bakuna na dalawang beses ang pagtuturok.
Magugunitang inaprubahan ng WHO para sa emergency use ang mga bakuna na gawa ng Pfizer-BioNTech at Oxford-AstraZeneca.