-- Advertisements --
WHO Dr Tedros nCoV coronavirus
WHO director-general Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus

Opisyal na pinalitan na ng World Health Organization (WHO) ang pangalan ng coronavirus.

Sinabi ni WHO chief Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, papangalanan na nila ang itong COVID-2019 o Coronavirus Disease.

Isinagawa ang pagpapalit ng pangalan matapos na umabot na sa mahigit 1,000 katao ang nasawi at halos 45,000 na ang nadapuan ng sakit.

Dagdag ng WHO na pinalitan nila ang pangalan nito para maiwasan ang pagkakalito at ang pagtukoy sa isang lugar o bansa lamang.

Magugunitang unang tinawag ito bilang Wuhan coronavirus dahil nagmula ito sa Wuhan, China at minsan tinatawag din ito bilang novel coronavirus o kaya bilang nCoV.

“We now have a name for the disease caused by the novel coronavirus: COVID-19. Having a name matters to prevent the use of other names that can be inaccurate or stigmatizing,” bahagi nang anunsiyo ni Dr. Tedros.