-- Advertisements --
Inirekomenda ng vaccine advisory ng World Health Organization (WHO) ang pagkakaroon ng dagdag na dose ng lahat ng COVID-19 vaccine ng mga taong immunocompromised o mga taong hindi gaanong umeepekto ang bakuna.
Base sa inilabas na pahayag nila na mayroong mahina ang epekto ng bakuna sa isang tao kaya nararapat na sila ay magbigyan ng dagdag na bakuna laban sa COVID-19.
Dapat din na ang ibigay na bakuna ay yaong otorisado ng WHO.
Magugunitang hindi pa inirerekomenda noon ng WHO ang booster shots ng anumang COVID-19 vaccines dahil sa maraming bansa pa rin ang hindi nakakakuha ng mga bakuna.