-- Advertisements --
WHO

Inirekomenda ng World Health Organization na dapat subaybayan ng China ang labis na dami ng namamatay mula sa virus upang magkaroon ng mas buo at sapat na impormasyon para sa epekto ng muling paglobo ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa World Health Organization, halos 60,000 katao na may COVID-19 ang namatay sa ospital mula noong tinapos ng China ang zero-COVID policy nitong nakaraang buwan.

Ang pagwawakas ng Zero-covid policy ay isa umano sa naging dahilan ng muling pag-akyat ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Idinagdag ng World Health Organization na walang nakatakdang oras para sa isa pang pagpupulong sa mga opisyal ng China matapos makipag-usap si Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus kay Ma Xiaowei, direktor ng National Health Commission ng China.

Sa ngayon, patuloy na makikipagtulungan umano sa China ang naturang organisasyon para magbigay ng payo at suporta sa gitna ng pandemya ng COVID-19.