-- Advertisements --
Dumepensa si World Health Organization (WHO) director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus ang maagang pagdeklara nito ng global health emergency.
Sinabi nito na nasa tamang panahon lamang ang pagdeklara nito dahil hindi pa masyado mataas ang kaso sa buong mundo noong Enero.
Ang nasabing pagdeklara nito ay base na rin sa naging pakikipagpulong niya sa mga eksperto sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Muli itong nagpaalala sa mga bansa na hindi pa napapanahon para luwagan ang lockdown hangang hindi pa tuluyang nasasawata ang virus.