Itinaas na ng World Health Organization (WHO) sa “very high” risk ang paghahanda ng mundo laban sa coronavirus outbreak.
Ito na ang pinakamataas na level ng risk assesment ng WHO sa nasabing virus.
Ang anunsiyo ng WHO ay kasunod nang mga report na mahigit 84,000 na ang infected sa deadly virus sa maraming bansa, kung saan mahigit na sa 2,000 ang mga namatay.
Ayon kay WHO chief Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, mayroong mahigit 50 bansa na ang naiulat na may kaso ng coronavirus.
Dagdag pa nito, may mga kaparaan pa talaga na maaring gawin para ito ay tuluyang hindi na kumalat pa sa isang bansa.
Kasabay din nito ang kanyang pagtiyak na posibleng sa mga susunod na mga buwan ay mailalabas na ang mga bakuna laban sa COVID-19.
“In my briefing today, I informed media that based on latest #coronavirus developments we have now increased our assessment of the risk of spread and the risk of impact of #COVID19 to very high at a global level,” ani Dr. Tedros. “Together, we are powerful. Our greatest enemy right now is not the #coronavirus itself. It’s fear, rumours and stigma. And our greatest assets are facts, reason and solidarity.”