Mariing itinanggi ng World Health Organization (WHO) na naglabas sila ng assessment o pahayag na nagsasabing ang Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Western Pacific region.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Dr. Abindra Abeyasinghe, WHO representative sa Pilipinas, sadyang marami silang inilalabas na impormasyon sa kanilang dashboard sa ginagawang pag-aaral sa sitwasyon ng COVID-19 sa iba’t ibang bansa.
Pero ayon kay Dr. Rabi, general information ang lahat ng ito, na kinuha ng ilang journalist saka gumawa ng sarili nilang interpretasyon ng data.
Binigyang-diin ni Dr. Abi na hindi sila gumagawa ng pagkumpara ng pagtaya sa COVID-19 mula sa iba’t ibang bansa dahil sadyang magkakaiba talaga ang sitwasyon sa mga bansang ito.