Aminado ang World Health Organization (WHO) na nahihirapan silang labanan ang pagkalat ng coronavirus dahil sa pagkakawatak-watak ng mga bansa.
Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, napakadelikado ang nasabing virus at mahirap itong labanan lalo na at hindi nagkakasundo ang maraming bansa.
May ilang bansa kasi aniya ang hindi tinatanggap ang anumang tulong na ibinibigay ng ibang bansa para matugunan ang problema ng coronavirus pandemic.
Dapat aniya talaga na isipin din ng mga lider ng mga bansa ang matinding epekto ng coronavirus sa kanilang lugar lalo na sa ekonomiya.
Magugunitang nagdesisyon si US President Donald Trump na kaniyang tatanggalin ang pagpondo sa WHO matapos na tila raw pinoprotektahan ang China kung saan doon nagmula ang nasabing deadly virus.