-- Advertisements --
Ipagpapatuloy na ng World Health Organization (WHO) trial sa controversial drug na hydroxychloroquine.
Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na wala ng dapat ikabahala sa paggamit ng nasabing mga gamot.
Nauna rito itinigil ng WHO ang pagsasagawa ng clinical trial sa hydroxychloroquine dahil sa mayroong mataas na death rates at nagdudulot ng irregular heartbeats sa pasyente.
Isa rin ang nasabing droga na isinusulong ni Trump kung saan inamin nito na umiinom ito ng nasabing gamot para malayo sa coronavirus.