Nangangamba ang World Health Organization (WHO) na kakalat pa at madadagdagan pa ang bilang ng mga kakapitan ng bagong strain na new coronavirus.
Ayon sa WHO, posible aniyang kumalat pa ito sa iba pang parte ng China at mga bansa sa mga susunod na araw.
Ito ay lalo na at ang China ay magkakaroon ng selebrasyon ng Lunar New Year.
Paliwanag naman ni WHO spokesman Tarik Jasarevic, sa ngayon aniya ang konsentrasyon ng mga nagkakasakit ay sa China lalo na sa syudad ng Wuhan.
Hinala ng mga eskperto nagsimula ang virus na nakuha sa seafood market.
Sinabi pa ng WHO, ngayong pinaigting na sa iba’t ibang dako ng mundo ang surveillance at testing asahan na rin daw ang pagtaas ng bilang ng mga biktima lalo na at pwede itong makuha ng ibang tao o sa pamamagitan ng human to human transmission.
Sa latest na impormayon siyam katao na ang nasawi sa China at mahigit naman sa 400 ang infected.
Kung maalala sa US ay kinumpirma na rin angv kauna-unahang kaso ng new coronavirus.
Meron ding naitala sa Thailand, Japan at South Korea.