Umaabot na umano sa 73 mga bansa sa iba’t ibang dako ng mundo ang namemeligrong magkaroon ng kakulangan sa stocks ng antiretroviral (ARV) bilang medicines sa HIV dahil sa COVID-19 pandemic.
Dahil dito, nababala ang WHO sa naturang survey na isinagawa bago ganapin ang International AIDS Society’s biannual conference.
Una rito, nasa 24 na mga bansa ang nasa “critically low” ang stocks ng ARVs dahil sa disruptions ng supply sa tinaguriang life-saving medicines.
Sa ngayon wala pang gamot sa HIV pero ang ARVs ay maaaring makontrol ang virus.
“The findings of this survey are deeply concerning,” ani Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus, WHO Director-General. “Countries and their development partners must do all they can to ensure that people who need HIV treatment continue to access it. We cannot let the COVID-19 pandemic undo the hard-won gains in the global response to this disease.”
Bago ito, tinukoy din ng Joint United Nations Programme on HIV/AIDS (UNAIDS) na ang Pilipinas ay kabilang na sa mga nakakaranas sa second wave ng HIV epidemic.
Ang COVID-19 crisis ngayon ay pinaniniwalaang nagdulot nang pagkaantala sa pangangailangan sa mga life-saving testing at treatment services bunsod na abala rin ang mga ospital sa pagharap sa pandemic.
Samantala mula taong 2015 nasa 3.5 million na ang nahawa sa HIV, kung saan noong 2019 lamang ay naitala ang umaabot sa 1.7 million na mga bagong kaso.
Nagbabala naman ang UNAIDS na dodoble pa ang bilang sa mga posibleng magkakaron ng HIV kung hindi gagawa ng mga hakbang at mga epektibong diskarte sa gitna ng pandemic disruptions.