Kabado ang World Health Organization (WHO) na lalaganap pa sa buong mundo ang bagong coronavirus variant Omicron.
Ginawa ng WHO ang babala matapos na umaabot na sa 77 mga bansa ang nakapagtala na nakapasok na rin sa kanila ang mas nakakahawang variant ng COVID-19 kasama na ang pinakahuli ang Pilipinas.
Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, posibleng ang mga bansa na hindi pa nakakapag-report ay dahil sa hindi pa nila ito nade-detect.
Nangangamba ang WHO chief na may ilang mga bansa na minamaliit lamang ang Omicron virus kaya walang masyadong ginagawang paghahanda.
Nagbabala pa si Dr. Tedros na kahit umano may mga report na ang Omicron variant ay hindi nakakapagdulot ng severe disease, pero kung makahawa ito ng maraming tao ay baka hindi makayanan ng mga health systems kung hindi preparado ang isang bansa.
“Surely, we have learned by now that we underestimate this virus at our peril,” ani Dr. Tedros. “Even if Omicron does cause less severe disease, the sheer number of cases could once again overwhelm unprepared health systems.”