Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na nasa kritikal na panahon na ang COVID-19 pandemic sa buong mundo lalo na ang bahagi ng northern hemisphere.
Sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus na asahan sa mga susunod na buwan ang mas magiging mahirap kung saan ang ilang mga bansa ay nasa mapanganib na landas.
Dahil dito, hinimok ni Ghebreyesus ang mga leader na gumawa ng hakbang na mapigilan ang pagdami ng bilang ng mga namamatay at bantayan na mapigilan din ang pagbagsak sa mga mahahalagang serbisyong pangkalusugan at muling pagsasara ng mga paaralan.
Nababahala ang opisyal na muling maulit ang nangyari noong buwan ng Pebrero.
Dagdag pa niya na dapat gumawa ng mga aksyon ang mga bansa upang malimitahan ang mabilis na pagkalat pa ng virus.