Nakikipag-ugnayan na ang World Health Organization (WHO) sa Russian health authorities matapos na ianunsiyo ni President Vladimir Putin na nakagawa ng sila ng bakuna laban sa coronavirus.
Ayon kay WHO spokesperson Tarik Jasarevic, dapat magkaroon ng pre-qualification ng WHO ang nasabing bakuna bago ito ibenta sa publiko.
Kailangan din daw ng masusing pag-aaral at assessment sa lahat ng mga kinakailangang safety and efficacy data.
“It’s vital that we apply all public health measures that we know are working, and we need to continue to invest in and accelerate the development of safe and effective treatments and vaccines that will help us reduce disease transmission in the future,” ani Jasarevic. “We are in close contact with the Russian health authorities, and discussions are going on with respect to possible pre-qualification of the vaccine.”
Umaabot na sa 139 na bakuna ang nasa pre-clinical evaluation ng WHO kung saan 26 dito ay nasubukan na sa mga tao at anim ang nasa final phase na.
Magugunitang ibinunyag ni Putin na nakagawa na sila ng bakuna laban sa COVID-19 kung saan mismong anak nito ang sumubok.
Maging ang Pangulong Rodrigo Duterte ay nabuhayan din ng loob na bago matapos ang taong ito ay mabigyan din ang Pilipinas ng suplay ng vaccine.