-- Advertisements --

Kinilala ng World Health Organization (WHO) ang lungsod ng Taguig dahil sa kasanayan nila sa vaccination rollout.

Nakapagbakuna kasi ang Taguig City ng 4,000 katao sa loob ng isang araw.

Ayon kay WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, na naging detalyado sa pagpaplano at execution ang city government ng Taguig sa pagpapabakuna ng kanilang mga mamamayan.

Pinuri rin ang pagsasagawa ng Taguig ng mga training center kung saan sumailalim ang mga medical experts at practitioners ng seminars sa tamang paghawak nga mga COVID-19 vaccines.

Plano naman ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na gawing 5,000 sa kada araw ang mabababakunahan nila sa mga susunod na linggo.

Sa kasalukuyan kasi ay aabot sa halos 50,000 katao na ang kanilang naturukan ng bakuna.

Hinikayat naman ni Abeyasinghe ang mga Local Government Unit na gayahin ang ginagawang vaccination rollout ng Taguig.