Kinilala na ng World Health Organization (WHO) ang pag-aaral na pwede ring airborne disease ang COVID-19.
Kasunod ito ng resulta ng ilang mga scientist mula sa iba’t ibang bansa na nakakahawa ang nasabing virus sa pamamagitan ng airborne transmission.
Sinabi ni Maria Van Kerkhove, technical head on COVID-19 pandemic sa WHO, may ebidensiya na aerosol transmission at airborne transmission din ang nasabing virus.
Maglalabas aniya sila sa mga susunod na araw ng mga bagong guidelines at scientific brief summary ng nasabing transmission.
Inamin naman ni Professor Benedetta Allegranzi, technical lead ng WHO, na ilang buwan na rin nilang pinag-aaralan ang naturang teorya.
Tiniyak rin naman ng WHO, na may koordinasyon sila sa naturang mga eksperto at scientists kung saan nagtutulungan sila sa paghahanap ng mainam na sulusyon laban sa coronavirus.
Una nang sinabi ng WHO na nagkakaroon ng pagkakahawa ng virus dahil sa mga droplets mula sa bibig at hininga ng mga tao.
Magugunitang hinikayat ng mahigit 200 mga scientist ang WHO na baguhin ang guidelines sa transmission ng nasabing virus.