-- Advertisements --

Ipinagigiitan ng World Health Organization (WHO) na natural origin ang pinagmulan ng coronavirus.

Ito ay kasunod ng alegasyon ni US President Donald Trump na galing sa Chinese laboratory ang nasabing virus.

Sinabi ni WHO emergencies chief Michael Ryan na makailang beses na silang nakipagpulong sa mga scientist at pinatunayan na galing sa mga hayop ang nasabing pandemic.

Inaalam din nila ang kung paano kumalat ang nasabing virus sa tao.