-- Advertisements --
Kontento ang World Health Organization (WHO) sa paraan ng paghawak ng Department of Health (DoH) sa suspected cases ng new corona virus sa Pilipinas.
Ayon kay WHO Country Representative Rabindra Abeyasinghe, puspusan ang kanilang koordinasyon sa mga bansang may naitatalang kaso ng nasabing sakit, para matiyak na hindi na ito kakalat.
Sa ngayon, nakikita umano nila ang agresibong pagbabantay ng health department sa Pilipinas at malawakang awareness campaign ukol sa mga naglitawang virus.
Matatandaang nagmula iyon sa Wuhan, China at mahigit 200 ang sinasabing dinapuan nito.
Ang problema aniya, hindi pa lubos na malaman ang klase ng sakit na ito kaya maging ang gamutan ay wala pa ring linaw.