-- Advertisements --
Hindi tumitigil ang World Health Organization (WHO) sa panawagan ng tigil putukan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na kalunos-lunos na ang kalagayan ng mga mamamayan ng Gaza na naiipit sa giyera.
Lubos na naapektuhan dito ang mga bata dahil maraming mga pagamutan ang nasira ng tamaan ng dalawang naglalabang partido.
Naniniwala din ito ng two-state solution na siyang solusyon para matigil na ang nasabing kaguluhan.