-- Advertisements --
WHO baby mother malaria vaccine
Photo from World Health Organization (@WHO)

Inilabas na ng United Nations (UN) ang kanilang unang rekomendasyon na may kaugnayan sa physical activity sa mga bata na may edad limang taong gulang pababa.

Kabilang sa agaw pansin ang isyu sa screen time hanggang “tummy time.”

Ang ilang guidelines ng World Health Organization (WHO) ay nagbibigay daw impresyon sa ibang mga magulang na “common-sense practices” lamang ito kabilang na ang pagbabawal sa mga babies na isang taon pababa na ma-expose sa mga screens.

“This is about making the shift from sedentary time to playtime,” ani Juana Willumsen na siyang WHO point person sa childhood obesity at physical activity.

Ilang eksperto naman ang nakapansin na ang malawak na rekomendasyon ng WHO ay nakabase lamang sa mahinang ebidensiya.

Binatikos pa ng ilan ang pag-adopt ng WHO sa masyado raw simple lamang na definitions of key terms lalo na ang tinaguriang “sedentary screen time.”

Una nang tinukoy ng WHO na mahalagang magkaroon ng outline sa best practices para sa mga bata na limang taon pababa dahil sa ito ang “crucial period for lifestyle development.”

Ito ay sa gitna na rin ng debate na ang obesity ay maituturing na “public health threat” ngayon kung saan 80 percent ng adolescents ay “not sufficiently physically active.”

Nanindigan naman ang UN health agency na ang kanilang abiso ay maaaring i-apply sa lahat ng mga bata anuman ang “gender, cultural background or socio-economic status.”

Doon daw sa mga infants na edad isa pababa, inirerekomenda ng WHO ang kahit 30 minuto na physically activity kada araw, kabilang na ang “prone position” sa baby o kaya ang “tummy time” lalo na doon sa hindi pa masyadong nakakagalaw.

Ang mga babies sa natura ring gulang ay hindi naman dapat pagbawalan sa pram position, highchair o kaya naka-strap sa likuran sa isang tao ng mahigit sa isang oras.

Dapat din daw na kung maaari ang mga babies ay hayaang matulog ng 12 hanggang sa 17 oras kada araw.