-- Advertisements --

Maglalabas ang World Health Organization (WHO) ng panuntunan sa testing ng mga African herbal remedies para labanan ang COVID-19.

Ito ay para matiyak na magkaroon ng ligtas at epektibo na traditional na gamot laban sa virus.

Nauna rirot isinusulong ng mga lider sa Madagascr ang isang untested products na ipinagmamalaking nakakagamot ng COVID-19.

Paliwanag pa ng WHO na ang bagong panuntunan ay para matulungan ang mga eksperto sa Africa na magsagawa ng tamang clinical trials.

Magugunitang nasa 140 potential vaccines para sa COVID-19 na sa buong mundo ang sumasailalim na sa clinical trials.