Nakatakdang magpulong ang emergency committee ng World Health Organization (WHO) para pag-usapan ang emergency status ng COVID-19 matapos ang anim na buwan ng ito ay maideklara.
Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na ang public health emergency ay isang international concern na dapat huwag dapat ipagsawalang bahala.
Ang Public Health Emergency of International concern (PHEIC) ay siyang pinakamataas na alarm sa ilalim ng international health rules na ito ay nire-reevaluate kada anim na buwan.
Bago ang COVID-19, nagdeklara na noon ang WHO ng limang beses mula ng nagpalit ng ang International Health Regulations noong 2007 sa swine flu, polio, Zika at dalawang beses sa Ebola outbreaks sa Africa.
Unang idineklara ng WHO ang PHEIC noong Enero 30 kung saan wala pang 100 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa China.
Hanngang sa ito ay umabot sa mahigit 16 million na kaso sa buong mundo at mayroong mahigit 650,000 na ang nasawi sa buong mundo.
Labis na ipinagmamalaki ni Tedros ang WHO dahil sa wala silang tigil sa trabaho para tuluyang masawata ang nasabing virus.