-- Advertisements --
Nagsagawa ng emergency meeting ang World Health Organization (WHO) para talakayin ang outbreak ng MPOX sa Democratic Republic of Congo.
Sinabi ni WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na aabot sa mahigit 27,000 na kaso ang kanilang naitala sa nabanggit na bansa.
Hindi rin bababa sa 1,100 na buhay ang nasawi kung saan karamihan sa mga ito ay mga bata.
Mula pa noong 2023 ng magsimula ang pagdami ng nasabing kasong naitala sa bansa.
Inaasahan nila sa nasabing pagpupulong ay makakagawa sila ng kaparaanan para tuluyang masawata ang nasabing virus.