-- Advertisements --
Nakatakdang magsagawa ng emergency meeting ang World Health Organization (WHO) sa susunod na linggo para tukuyin kung dapat bang kilalanin bilang public health emergency of international concern ang monkeypox outbreak.
Tatalakayin nila ang pagpapalit ng tawag sa nasabing virus na nagmula sa West at Central Africa kung saan mahigit 1,000 kaso na ang naitala.
Ayon naman kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na lubhang nakakabahala at kakaiba ang ang nasabing monkeypox.
Gaganapin ang pagpupulong sa Hunyo 23 at doon iaanunisyo ang maaring itawag dito.