-- Advertisements --
Muling hinikayat ng World Health Organization (WHO) ang China na makipagtulungan sa panibagong imbestigasyon para matukoy ang pinagmulan ng COVID-19.
Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na wala pa rin silang mabigat na ebidensiya na galing umano sa leak sa isang laboratoryo sa China ang nasabing virus.
Inilalatag na nila ang ilang hakbang para sa panibagong imbestigasyon sa pinagmulan ng COVID-19.
Nahaharap kasi sa matinding pressure ang WHO dahil hindi pa nila natutukoy ang pinagmula ng COVID-19.
Magugunitang noong Enero ay nagpadala na rin ang WHO ng mga eksperto sa China subalit hindi nakipagtulungan ang mga opisyal ng China kaya hindi nila lubos matukoy ang pinagmulan ng virus.