-- Advertisements --

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa mga bansa na nagpapatupad ng emergency authorization sa mga bakuna laban sa coronavirus.

Ayon kay WHO chief scientist Soumya Swaminathan, na dapat hindi maliitin ng mga bansa ang pag-apruba ng mga bakuna.

Mayroon aniyang karapatan ang bawat bansa na mag-apruba ng bakuna subalit hindi dapat ito ipagsawalang bahala.

Magugunitang isa ang Russia sa nag-apruba ng bakuna laban sa COVID-19 kahit wala pang isinasagawang full trial.