-- Advertisements --
Nagkakaroon pa rin ng hindi pantay na pamamahagi ng bakuna laban sa COVID-19 ng maraming bansa.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang pagsisimula na ng booster shots ng mga mayayamang bansa ay siyang magdudulot ng matagal na pagresolba ng COVID-19 pandemic dahil naiiwan ang mga mahihirap na bansa sa kanilang vaccination program.
Nasa kalahati lamang sa mga member states ng WHO ang nakapagtala na ng pagpapabakuna ng 40 percent ng kanilang populasyon.
Patuloy din aniya nilang pinag-aaralan ang mga booster doses para itinuturok ng maraming mga bansa.